^

Bansa

2 pa inoobserbahan sa AH1N1

-

MANILA, Philippines – Dalawa katao pa na nanggaling sa United Kingdom at South Korea ang under observation ng Department of Health bunsod na rin ng posi­bleng pagkakaroon nito ng AH1N1 influenza virus.

Sinasabing nasa isang pribadong ospital ngayon ang isang 36-anyos na babae na dumating sa bansa noong Mayo 9  habang nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) naman ang isang 80-anyos na babae.

Sa pagtatala ng DOH, umaabot na sa 57 ang bilang ng inobserbahan laban sa swine flu mula Mayo 1-14 subalit 55 dito ay nag-negatibo sa AH1N1 virus.

Umaabot naman sa 7,520 ang kumpirmadong kaso ng AH1N1 sa 34 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo, hindi pa kasa­ma rito ang Ecuador, Malaysia at Peru na pina­kabagong mga bansang naapektuhan ng virus.

Kabilang sa iba pang mga bansang apektado ay ang Argentina, Australia, Austria, Belgium, Brazil, China, Colombia, Cuba, Denmark, El Salvador, Finland, France, Germany, Guatemala, Ireland, Israel, Italy, Japan, Netherlands, New Zea­land, Norway, Panama, Poland, Portugal, Republic of Korea, Spain, Sweden, Switzerland, Thailand, at United Kingdom.

Hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring ligtas ang Pilipinas sa AH1N1 kung kaya’t patuloy na­man ang  surveillance at monitoring na ginagawa ng DOH sa mga seaports at airports. (Doris Franche)


vuukle comment

DALAWA

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

EL SALVADOR

NEW ZEA

REPUBLIC OF KOREA

RESEARCH INSTITUTE

SOUTH KOREA

TROPICAL MEDICINE

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with