^

Bansa

1 pang Pinay ginahasa ng sundalong Kano

-

MANILA, Philippines – Isa pang 22-anyos na Pilipina ang lumantad kahapon at nagsabing ginahasa siya ng isang sundalong Amerikano.

Itinago sa alyas na Vanessa ang bik­tima na dumalo sa isang pulong-balitaan sa opisina ng partylist group na Gabriela para ihayag ang kanyang karanasan.

Sinabi ni Vanessa na ginahasa siya ng sundalong tinawag lang niyang John Jones sa isang five-star hotel sa Makati City.

Sinabi naman ng Gabriela na nakum­pirma nila na ang suspek ay nakalista sa rekord ng hotel bilang siyang sundalo na nagmula sa Joint US Military Assistant Group at RP-US joint military exercise. 

 Pero sinabi ng abogadong si Evalyn Ursua na hindi pa nagpapasya si Vanessa kung magde­demanda.

Matatandaang si Ursua rin ang dating abogado ni Suzette Nicolas alyas Nicole na nagreklamong ginahasa ito ng sun­dalong Amerkanong si Lance Corporal Daniel Smith sa Subic noong 2005.

Nasentensyahang makulong si Smith pero pinalaya siya kinalaunan nang bawiin ni Nicole ang kanyang reklamo.


vuukle comment

AMERIKANO

AMERKANONG

EVALYN URSUA

GABRIELA

JOHN JONES

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

MAKATI CITY

MILITARY ASSISTANT GROUP

SINABI

SUZETTE NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with