^

Bansa

Task Force 211 pinuri ng National Press Club

-

MANILA, Philippines - Pinapurihan ni National Press Club Pre­sident Benny Anti­porda ang Task Force Against Political Violence and Extrajudicial Killings sa pamumuno ni Justice Undersec­retary Ric Blancaflor sa maigting nitong kam­panya laban sa mga political violence at extrajudicial killings sa bansa partikular na ang pagpatay sa mga mamamahayag.

Ayon kay Antiporda, pinasasalamatan nila ang TF211 sa pagtu­long para maaresto, mausig at makulong ang mga killer ng mga mama­mahayag.

Sa pinakahuling report na isinumite sa United Nations Human Rights Council ni Prof. Philip Alston, Special Rapporteur to the Uni­ted Nation on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions, ki­ni­lala ang TF211 bilang instrumento sa pagre­solba sa ilang kaso ng paglabag sa karapa­tang pantao.

Sinabi pa ni Anti­porda na nakasaad sa ulat ang tatlong maha­lagang accomplishments ng gobyerno, kabilang ang promul­gasyon ng Korte Su­prema sa writ of am­paro at writ of habeas data; imbestigasyon ng Commission on Human Rights sa walang habas na pamamas­lang at hakbangin ng TF211 para masawata ang political violence at extrajudicial killings sa bansa, partikular na sa media.

ARBITRARY EXECUTIONS

BENNY ANTI

HUMAN RIGHTS

JUSTICE UNDERSEC

KORTE SU

NATIONAL PRESS CLUB PRE

PHILIP ALSTON

RIC BLANCAFLOR

SHY

SPECIAL RAPPORTEUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with