Bagong PSG chief itinalaga

Mactan, Cebu, Philippines – Por­mal na itinalaga kahapon ni Pangulong Arroyo si Col. Jonas Sumagaysay bilang bagong pinuno ng Presidential Security Group (PSG) kapalit ni B/Gen. Celedonio Boqui­ren.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, miyembro ng Philippine Military Academy class 1981 si Col. Sumagaysay.

Bukod sa pagiging magaling na military officer ay naging defense attache din si Sumagay­say sa South Korea.

Si Sumagaysay ay tubong Iloilo at ang pi­nakahuling assignment nito ay ang pagiging deputy commander ng 502nd brigade ng Philippine Army. (Rudy Andal)


Show comments