^

Bansa

GMA tiyak na may 'manok' sa 2010

-

CEBU, Philippines – Iginiit kahapon ng Malacanang na mag-eendorso si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng magiging “manok” nito sa 2010 national elections.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na karapatan ni Pangulong Arroyo na magkaroon ng sari­ ling kandidato sa ha­lalan.

Ginawa ni Ermita ang pahayag bilang tugon sa panawagan ni Senador Edgardo Angara na maging apolitical ang Punong Ehe­ kutibo sa halalang pampa­nguluhan.

Pero sinabi ni Ermita na sariling desisyon na iyon ni Gng. Arroyo bilang tagapa­ngulo ng makaadminis­trasyong partido kung si­nong kandidato ang su­suportahan nito.

Sinabi pa ng kalihim  na inaayos na ng Lakas at Kampi ang pagsasanib nito kaya dapat na lamang hintayin kung ano ang magiging desisyon ng Pangulo sa susuportahan nitong kandidato sa 2010 elections. (Rudy Andal)


ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GINAWA

GNG

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PUNONG EHE

RUDY ANDAL

SENADOR EDGARDO ANGARA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with