Milyonaryong MILF chief mabibitag na?

MANILA, Philippines – Mahina na ang puwersa at malapit nang mabitag ang milyonaryong si Moro Islamic Liberation Front renegade Commander Ameril Umbra Kato kaugnay ng patuloy na surgical strike operations ng tropa ng pamahalaan sa Central Mindanao.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines- Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. na paliit na ang mundo ni Kato habang patuloy itong inaabandona ng kaniyang mga tauhan na nag­sisisuko sa tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni Brawner na may mga basehan ang AFP na si Kato ang nagmamay-ari ng ipinapatayong mansion na sumusukat ng 1,200 square meters base na rin sa impormasyon sa mga residente at kanilang mga asset sa lugar.

Si Commander Kato ay wanted sa batas kaugnay ng puwersahang pananakop sa may 15 barangay sa pitong bayan ng North Cotabato noong Agosto ng nagdaang taon. (Joy Cantos)


Show comments