^

Bansa

NCRPO chief 'mananagot' din sa Failon case

-

MANILA, Philippines – May pananagutan din umano si National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales sa naganap na “police brutality” ng mga tauhan na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa Ted Failon case.

Ayon kay Gabriela Rep. Liza Masa, kaila­ ngang maipatawag din ng National Bureau of Investigation (NBI) na huma­hawak ngayon sa Failon case si Rosales at maging ng National Police Commission upang magbigay linaw sa nasabing usapin.

Sinabi ni Masa na dahil sa “command res­ponsibility”, lumalabas na may pananagutan si Ro­sales sa naganap na pag­kaladkad at sapilitang pag-aresto ng QCPD police sa mga kaanak ng nasawing si Trina Etong, asawa ni Failon habang nag-aagaw buhay sa New Era Hospital sa QC kamakailan.

Nagpahayag pa ng pagdududa si Masa na ang ginawang brutal at hindi makataong pag-aresto ng mga miyembro ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Group (CIDU)  sa pamu­muno ni Supt. Franklin Ma­banag sa mga kaanak ni Etong ay walang direk­tang kautusan mula mismo kay Rosales.  

Sinabi ni Masa na   ang QCPD ay nasa ilalim ng pamamahala ni Ro­sales kaya marapat la­mang aniya na ang NCRPO ay siyang responsable   sa insidente. 

Sinang-ayunan na­man ni Rep. Satur Ocam­po ng Bayan Muna Party-list na dapat na maimbi­tahan sa anumang naga­ganap na pagsisiyasat si Rosales upang sagutin ang isyu na may kaugna­yan sa mga polisiya na kanilang ipinatupad sa paghawak sa kaso ni Fai­lon dahil pa wala na­man aniyang malinaw na pag-amin na ang NCRPO ang nagbigay ng direktang kautusan sa QCPD hing­gil sa nasa­bing kaso. (Butch Que­jada)


BAYAN MUNA PARTY

BUTCH QUE

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FAILON

FRANKLIN MA

GABRIELA REP

LIZA MASA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with