'Oratio imperata' kailangan sa Davao
Hiniling ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa lahat mananampalatayang Katoliko na ipagpatuloy ang “Oratio Imperata” o pagdarasal na sana ay matigil na ang sinasabing patayan sa Davao.
Ayon kay Fr. Pete Maniwan, nagpapanic ngayon ang buong mundo dahil sa sakit na swine flu na umaabot pa lamang sa 50 katao ang namamatay sa bansang Mexico at Estados Unidos samantalang sa statistika ng CBCP mahigit sa 1,000 katao na ang napapatay dito mula ng mag-operate ang grupong Davao Death Squad at isinasagawa umano ang “summary killing” sa katanghaliang tapat.
Anang pari, agad na idineklarang pandemic ang Swine Flu habang ang malaganap na pagpatay sa Davao ay halos hindi man lamang pinapansin. (Mer Layson)
- Latest
- Trending