Bagong modus sa emission test ng mga sasakyan nabuko
MANILA, Philippines - Inireklamo ng mga legitimate Private Emission Test Centers kay Land Transportation Office (LTO) Chief Arturo Lomibao na kalusin ang umano’y bagong modus operandi na naman ng ilang tiwaling pulis na mga PETC naman ngayon ang umanoy “nagagatasan”.
Sinasabing ang modus operandi ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapalit ng plate number ng isang sasakyan at pagkatapos ay ipapadala ito sa isang kakutsabang PETC upang isailalim sa emission test ang sasakyan.’
Matapos isailalim sa emission test ang sasakyan ay kanilang pinaalam sa PETC na ang sasakyan na kanilang nasuri ang usok o emission test ay hindi pala ang tamang sasakyan ayon sa plate number nito kaya’t ito ay tinuturing na “Non-appearance.”
Dito umano tatakutin ng mga tiwaling pulis na ang PETC ay nagsagawa ng malaking pagkakasala na pwedeng ikasuspinde o posibleng maipasara ng LTO.
Upang hindi umano maparusahan ang PETC ay saka hihingan ng kaukulang salapi kapalit ng patuloy na operasyon kahit na nagsagawa ng non-appearance sa pagsuri ng mga usok ng sasakyan.
Ang emission test ay isang requirement bago maiparehistro ang isang sasakyan sa LTO.
Una rito, hiniling ng mga legitimate PETC kay Lomibao na imbestigahan ang mga tiwaling pulis na ito na sumisira sa magandang imahe ng LTO at tuloy parusahan ang mga tiwaling PETC na tunay na nagsasagawa ng non-appearance sa kanilang operasyon.
Sa ngayon, umaabot sa P600 hanggang P700 ang halaga ng non-appearance ang emission test. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending