^

Bansa

Binata nakuryente sa baha, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na nagawa pang makapag-withdraw sa ATM ng isang 19-anyos na binata makaraang mangi­say at tuluyang mamatay nang makuryente   sa pag­tapak sa baha sa Dapitan. St., Sampaloc, Maynila, ka­makalawa ng gabi sa ka­sagsagan ng malakas na ulang dala ng bagyong si Emong.

Nakilala ang nasawi na si Jomel Kabigting Pangi­linan, ng San Diego St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni Det. Jaime Gonzales ng Manila Police District, naganap ang insi­dente dakong alas -8:00 ng gabi kamakalawa sa tapat ng isang street light sa Dapitan St., Sampaloc

Nadiskubre ang insi­dente nang itawag ng security guard na si Frank Castro ng University of Sto Tomas Hospital (UST) ang insidente sa MPD-Station 4, hinggil sa isang biktima ng electrocution na idinek­larang dead-on-arrival dakong alas-10:20 ng gabi.

Nabatid na patungo ang biktima sa ATM booth kasama ang kaibigang si Jayson nang makatapak umano ito sa baha. Bigla na lamang umano itong nangisay at hindi agad nalapitan ng kaibigan at iba pang bystanders sa takot na makuryente habang bu­mu­buhos ang malakas na ulan dahilan nang pagba­baha sa lugar.

 Inireport naman ka­agad ng kaibigan sa ba­rangay hall ang insi­dente na umaksyon upang dalhin ito sa pagamutan subalit hindi pinalad ma­kaligtas.

Nabatid na inutusan lang ng kanyang bayaw na si Jovani Mora ang biktima na i-withdraw siya ng pera nang maganap ang tra­hedya.

DAPITAN ST.

FRANK CASTRO

JAIME GONZALES

JOMEL KABIGTING PANGI

JOVANI MORA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with