Mga lolang preso palalayain na
MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ng Public Attorney’s Office ang pag-aaral sa rekord ng mga inmates sa Correctional Institution for Women (CIW) na napipiit na ng may 20 hanggang 30 taon sa bilangguan.
Sa rekord na ibinigay ni CIW Supt. Rachel Ruelo kay Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta, umaabot sa may 400 inmates ang kuwalipikado para sa ‘executive clemency” dahil napagsilbihan na nila ang kanilang sentensya kung saan ang iba ay may 27 taon na sa piitan.
Prayoridad umano dito ang 40 mga lola at nanay na nasa edad na 65-85 taong gulang na ang iba ay mayroon na ring karamdaman ang ilan ay hindi na rin makakita dahil sa pagkakaroon ng diperensya sa mata.
Sinabi ni Atty, Acosta kanilang ipapatupad sa pag papalaya sa mga naturang inmates ang tinatawag na “first in, first out rule policy” o palalayain ang mga naunang nakulong na noon pang panahon nina Pangulong Ferdinand Marcos at Cory Aquino.
Umapela rin ang PAO Chief kay Pangulong Arroyo na mapagkalooban na ng ‘executive clemency ang mga lolang ito.
Kailangan na rin umanong ma-’decongest’ ang mga jail, upang makatipid din sa gastusin ang Pamahalaan. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending