^

Bansa

Lozada dinala ang sarili sa kulungan

-

MANILA, Philippines - Dapat na umanong tigilan ni NBN-ZTE star witness Rodolfo “Jun” Lozada ang pagsisi sa gobyerno sa kanyang pagka­kakulong dahil siya mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa kulu­ngan.

Ayon kay Balikatan People’s Alliance chair Louie Balbago, malinaw ang records na kusang loob na binigay ni Lozada ang magkaibang paha­yag at hindi diniktahan ng gobyerno kaya’t hindi nito dapat sisihin ang pama­halaan.

Pinuna ni Balbago na ang nagreklamo ng perjury laban kay Lozada ay isang tao lamang sa katauhan ni PNR Chairman Mike Defensor.

“Kinasuhan si Mr. Lozada ayon sa sinasaad ng batas. At siya mismo ang ayaw magpiyansa para sa kaniyang pansa­mantalang paglaya. Kaya paano naging kasalanan pa ng gobyerno kung bakit nakakulong siya,” wika ni Balbago.

Huwag anyang kali­mutan ni Lozada na wala itong naipakita kahit isang ebidensiya upang patu­nayan ang kaniyang mga sinabi hinggil sa ZTE deal.

Idinagdag pa ni Bal­bago na wala ring batas na nagsasabing hindi puwe­deng arestuhin si Lozada dahil sa kaniyang mga alegasyon hinggil sa ZTE deal. (Butch Quejada)

AYON

BALBAGO

BALIKATAN PEOPLE

BUTCH QUEJADA

CHAIRMAN MIKE DEFENSOR

DAPAT

LOUIE BALBAGO

LOZADA

MR. LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with