Nat'l day of celebration idineklara para kay Pacman

MANILA, Philippines - Nagdeklara kahapon si Pangulong Gloria Macapa­gal-Arroyo ng isang “national day of celebration” matapos mag­wagi si Manny Pacquiao sa kan­yang kalaban na si Ricky Hatton.

Ito ang nabatid kaha­pon kay Press Secretary Cerge Remonde na nag­sabi pa na maghahandog ang Pangulo ng isang pananghalian para kay Pacquiao pagbalik nito sa Pilipinas mula sa United States.

Sinabi ni Remonde na, bagaman nasa opis­yal na pagbisita sa Egypt ang Pangulo at ilang delegado ng pama­halaan, hindi magkama­yaw ang kanilang katu­waan nang mabalitaan nila ang tagumpay ni Pacquiao. (Rudy Andal)

Show comments