^

Bansa

Pagsali ng elementary pupils sa boxing pinalagan

-

MANILA, Philippines – Tinutulan ni Caloocan Bishop Deogracias Iñi­guez ang ginawang paki­kipag­lahok ng Department of Education (Dep­Ed) sa boxing ng mga elementary students sa Palarong Pam­bansa ngayong taon.

Ayon kay Iñiguez na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), bagamat ang boksing ay isang uri ng sports, dapat rin naman aniyang tingnan ang “violent aspect” nito.

Naniniwala si Iñiguez na magdudulot ito ng negatibong epekto sa mga kabataan ang natu­rang marahas na aspeto ng boksing.

Aniya, iba pa rin ang isipan ng elementary students sa isang sapat na sa gulang na kabataan.

Ipinayo rin ni Iniguez na kung talagang may mga bata na makikitang may abilidad na maging boksingero, dapat ay bigyan na lamang ito ng espesyal na pagsasanay.

Matatandaang ini­anunsyo ni Education Secretary Jesli Lapus na inilahok nila sa Palarong Pambansa ngayong taon ang boxing sa mga ele­ mentary students upang makahanap umano ng susunod sa mga yapak ng pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pac­quiao. (Doris Franche)

ANIYA

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS I

DEPARTMENT OF EDUCATION

DORIS FRANCHE

EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

EPISCOPAL COMMISSION

PALARONG PAM

PALARONG PAMBANSA

PUBLIC AFFAIRS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with