^

Bansa

Ilan sa oposisyon peke - Nene

-

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi kaha­pon ni Senate Minority Lea­der Aquilino Pimentel Jr. na peke ang ilang mi­yembro ng oposisyon at nakikisa­kay lamang sa partido.

Sinabi ni Pimentel na dapat makilala ang mga tunay na oposisyon sa mga peke sa gitna nang posib­leng pagsasanib pu­wersa ng mga partido ng oposis­yon upang mas lumakas ang kanilang puwersa para sa 2010 elections.

Naniniwala si Pimentel na makakasira sa pagsa­sanib puwersa ang mga pulitikong nagpapatang­gap lamang na kasapi ng oposisyon.

Inihalimbawa nito ang mga dating miyembro ng oposisyon na sumanib kay Pangulong Arroyo nang maluklok ito sa puweto pero muling bumabalik sa opo­sisyon ngayong nala­lapit na ang halalalan.

Kaugnay nito, sinabi ni Pimentel na kinakatigan niya ang naging an­nounce­ment ni dating Pangulong Joseph Es­trada na pangu­ngunahan niya ang pagda­raos ng isang national convention ng lahat ng partido ng oposisyon at kani-kanilang presidential aspirants upang pumili ng iisang standard bearer para sa United Opposition.

Pero idinagdag ni Pi­mentel na bago gawin ang nasabing national convention, dapat munang matu­koy kung sino ang nagpa­panggap lamang o peke.

Iminungkahi ni Pi­mentel na bumuo nag oposisyon ng mechanics at procedures para sa gagawing selection process ng ka­nilang standard bearer. (Malou Escudero)


AQUILINO PIMENTEL JR.

IMINUNGKAHI

INIHALIMBAWA

KAUGNAY

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG JOSEPH ES

SENATE MINORITY LEA

SHY

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with