^

Bansa

32 pang partylists ipoproklama

-

MANILA, Philippines – Dahil sa pagdedeklara ng Supreme Court para sa karagdagang partylist representatives, nakatakdang magpulong sa linggong ito ang national board of canvassers ng Commission on Elections para maiprokla­ma ang 32 pang partylist candidates na uupo sa Kongreso.

Ayon kay Comelec spokesman James Arthur Jimenez, kailangan ng makilala ng Kongreso ang iba pang mga partylist na hindi agad naiproklama ng Comelec.

Gayunman, wala pang partikular na partylist candidates ang makikinabang sa nasabing desisyon ng SC.

Pero kabilang umano sa posibleng umupo bilang kongresista si Bantay Partylist representative at retired Maj. Gen. Jovito Palparan.

Samantala, pinaboran nina Senador Juan Ponce Enrile at Mar Roxas ang nasabing desisyon ng Korte Suprema dahil ma­tutuldukan na ang mga argumento kaugnay sa dapat na maging bilang ng partylist sa Kongreso.

Malaki rin ang panini­wala nina Enrile at Roxas na mababawasan ang ka­pangyarihan ng mga traditional politicians kung madadagdagan ang bilang ng partylist.

Anila, mas maisusu­long ng mga partylist representatives ang interes ng taumbayan at hindi mga political issues gaya ang Charter change.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang nasabing desisyon dahil makukum­pleto na ang 20% na representation ng mga party­list sa kabuuang populas­yon ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Sa kasalukuyang Kon­greso, 23 lamang ang kina­tawan ng partylist kaya kinakailangang ma­kum­pleto ito ayon sa iti­natakda ng Saligang Ba­tas.

Pero sinabi ni House Spea­ker Prospero Nogra­les na nilabag umano nito ang Konstitusyon dahil daw sa 250 lamang dapat ang bilang ng mga representatives. (Doris Franche/Malou Escudero/Ludy Bermudo/Rudy Andal/Butch Quejada)

BANTAY PARTYLIST

BUTCH QUEJADA

COMELEC

DORIS FRANCHE

HOUSE SPEA

JAMES ARTHUR JIMENEZ

KONGRESO

PARTYLIST

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with