^

Bansa

Abogado ni Smith pinasasagot ng Supreme Court

-

MANILA, Philippines – Inatasan kahapon ng Supreme Court ang mga abogado ng sen­ten­ syadong rapist na sun­dalong Amerikanong si Daniel Smith na ipa­liwanag kung bakit nag­notaryo sila ng affidavit ng biktimang si Suzette Nicolas.

Sa naturang affidavit na ininotaryo ng mga miyembro ng Sycip, Salazar, Hernandez and Gatmaitan law firm na nagdepensa sa aku­sado, binabawi ni Nico­las ang akusasyon niya na ginahasa siya ni Smith sa loob ng isang van sa Subic noong 2005.

Binigyan ng Mataas na Hukuman ng 10 araw ang mga abogado ni Smith para magpa­liwa­nag.

Inatasan din ng Ma­taas na Hukuman si Court of Appeals Presiding Justice Conrado Vazquez na imbestiga­han ang maagang pag­kakalabas ng isang draft decision ng noo’y associate justice pa ng CA na si Agustin Dizon na nagdidismis sa kaso ni Smith.

Ayon sa mga petitioners na sina dating Senator Leticia Shahani, Mother Mary John Ma­nanzan, Teresita Ang See, Ga­briela at Bagong Alyan­sang Makabayan, nila­bag ng nasabing law firm ang ethical and notarial rules dahil si Atty. Evalyn Ursua ang abo­gado ni Nicolas.

Iginiit ng mga petitioner na ang affidavit ni Nicolas ay hindi pag­bawi sa testimonya nito sa Makati Regional Trial Court na naging dahilan para masenten­syahan si Smith.

Idinagdag pa nila na ang abogado ni Smith ang siyang nagsumite sa CA ng bago nilang affidavit kung saan wala itong legal weight dahil tapos na ang trial at ang apela ni Smith ay submitted for resolution na upang ma­ging ba­hagi ito ng re­cord ng kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

AGUSTIN DIZON

BAGONG ALYAN

COURT OF APPEALS

DANIEL SMITH

EVALYN URSUA

GEMMA AMARGO-GARCIA

HERNANDEZ AND GATMAITAN

HUKUMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with