4 recruitment agency sinuspinde sa panloloko

MANILA, Philippines - Apat na recruitment agency ang sinuspindi ang lisensya ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) matapos na madiskubre ang iba’t ibang anomaly sa pagpapadala ng OFWs sa bansang Libya.

Sa ulat ng POEA, nakakalap sila ng matitibay na ebidensya na nagsagawa ng “misrepresentation” at pagpapalit ng mga kontrata ng mga OFW ang Aqua-Gem International Manpower Corp. at Sharikat Al-Saedi International Manpower.

Nadiskubre naman na hindi tumupad sa mga obligasyon sa kontrata at nagkaroon ng “grave misconduct” ang isa pang recruitment agency na Cifex World Libyan Branch matapos na hindi mapabalik nito sa Pilipinas ang mga OFW na ipinadala ng mga ito sa Libya. Anim lamang umano sa 271 mga Pinoy ang nakabalik sa Pilipinas noong Abril 2.

Nabatid naman na nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa pamamagitan ng Office of the Labor Attache sa naturang mga kumpanya upang mabigyan ng proteksyon ang mga OFW na na-recruit ng mga ito.

Una na ring sinuspinde ng POEA ang lisensya ng CYM International Services and Placement Agency, Inc. matapos na maloko ang 137 mga Filipino nang matuklasang wala palang nag­ hihin­tay na trabaho bilang bus driver sa Dubai.   

Sa 2007 datos ng POEA, may kabuuang 5,941 OFWs ang nagtatrabaho sa Libya. (Danilo Garcia)


Show comments