Bell choppers ipapagamit pa rin kay GMA

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Presidential Security Group (PSG) na ligtas pa ring gamitin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga Bell 412 helicopters kaya walang dahilan upang hindi ito sakyan ng chief executive sa kan­yang mga out of town engagements.

Sinabi ni PSG chief B/Gen. Celedonio Boquiren Jr., wala siyang nakiki­tang dahilan para hindi niya payagan si Pangu­long Arroyo na sumakay sa presidential chopper matapos bumagsak ang back-up chopper nito noong Abril 7 sa Benguet kung saan ay 8 pasahero nito ang nasawi kabilang si Press Undersecretary Jose Capadocia.

Inamin naman ni Gen. Boquiren na gina­mit muna ni Presidential son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo ang chopper bago ito sinakyan ng mga bik­tima. 

Lumitaw naman sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Air Force na ang sanhi ng pagbagsak ng presidential chopper ay dahil sa sobrang foggy sa ere habang tinatahak ng helicopter ang ruta pa­tungo sana sa Lagawe, Ifugao hanggang sa bu­magsak ito sa Mt. Pana­taon at hindi dahil sa engine trouble o pilot error. (Rudy Andal)

Show comments