^

Bansa

Hostage crisis 'wag ng patagalin - US

-

MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang Estados Unidos sa mga bandidong Abu Sayyaf na huwag ng patagalin pa ang Sulu hostage crisis at palayain na ang natitirang dalawang bihag na Red Cross volunteers.

“We condemned the kidnapping of ICRC volunteers, we appeal for the unconditional release of the remaining hostages and we hope that it would be soon,“ pahayag ni US Embassy spokeswoman Rebecca Thompson sa isang ambush interview sa opening ceremony ng RP- US Exercise Balikatan 2009 sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ayon kay Thompson, nababahala ang Amerika sa kalagayan nina Swiss national Andreas Notter partikular ang maysakit na Italyanong si Eugenio Vagni na kailangang ma­operahan dahil sa hernia o luslos.

Pero binigyang diin ni Thompson, sinusu­porta­han ng US ang pagtrato ng gobyerno ng Pilipinas sa hostage crisis sa Sulu at tiwala rin sila sa kakayahan ng security forces upang mailigtas  ang nalalabing mga bihag.

Sa kasalukuyan ay pumasok na sa negosasyon ang ULAMAS o mga paring Muslim na ayon naman kay AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano ay  malaki ang maitu­ tulong sa ma­payapang pagresolba sa hostage crisis.

Binigyang diin pa ng Chief of Staff na patuloy ang ‘military pressure‘ sa bahagi ng Indanan, Sulu upang mapilitan ang mga kidnappers na palayain na ang mga bihag. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ALEXANDER YANO

ANDREAS NOTTER

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

ESTADOS UNIDOS

EUGENIO VAGNI

EXERCISE BALIKATAN

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with