Lolong preso tututukan na

MANILA, Philippines - Sisimulan nang suriin ng Public Attorney’s Office ang mga record ng mga ma­tatandang bilanggo na nakulong ng may 20 hang­gang 30 taon upang ma­palaya ang mga ito.  

Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta sa isang panayam na ma­kiki­pag-ugnayan na siya kay Director Reynaldo Bayang ng Board of Pardon and Parole upang matukoy ang mga pre­song nararapat nang palayain.   

Ipapatupad ng PAO  ang “first in, first out rule” sa pagpapalaya sa mga may edad ng preso o iyong nakapagsilbi na ng may 20 hanggang 30 taon sa bilangguan. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments