Lolong preso tututukan na
MANILA, Philippines - Sisimulan nang suriin ng Public Attorney’s Office ang mga record ng mga matatandang bilanggo na nakulong ng may 20 hanggang 30 taon upang mapalaya ang mga ito.
Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta sa isang panayam na makikipag-ugnayan na siya kay Director Reynaldo Bayang ng Board of Pardon and Parole upang matukoy ang mga presong nararapat nang palayain.
Ipapatupad ng PAO ang “first in, first out rule” sa pagpapalaya sa mga may edad ng preso o iyong nakapagsilbi na ng may 20 hanggang 30 taon sa bilangguan. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending