Bago umalis patungong Thailand, pinarangalan at binigyan ni Pangulong Gloria Arroyo ng Presidential Medals of Merit (posthumous) ang walong opisyal at empleyado ng Malacanang na nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter sa Benguet noong nakaraang Martes.
Idinaos ang isang Ne crological Services para sa walong opisyal at staff ng Malacanang sa Heroes Hall ng Malacañang noong Huwebes Santo.
Ang parangal ay ibi nigay ng Pangulo sa mga nasawing sina Press Undersecretary Jose Capadocia, Undersecretary Marilou Frostrom ng Presidential Management Staff, senior presidential military aide Brig. Gen. Carlos Clet, PMS Assistant Director Perlita Bandayanon, pilotong si Major Rolando Sacatani, co-pilot Captain Alvin Alegata, Quarter Master 3rd Class Demy Reyno, at chopper crewman na si Sergeant Rohegem Perez.
Magsisilbi sanang “advance party” ng Pangulo ang mga nabanggit sa bibisitahin nitong proyekto na Halsema Highway construction sa Ba naue, Ifugao nang maganap ang trahedya.
Ayon sa Pangulo, ang pagkamatay ng kanyang mga tauhan ay nagdulot ng labis na kalungkutan hindi lamang sa kanya kundi maging sa mga empleyado sa Malacañang. (Malou Escudero)