^

Bansa

8 biktima ng chopper crash pinarangalan ng Pangulo

-

Bago umalis patu­ngong Thailand, pina­ra­ngalan at binigyan ni Pa­ngulong Gloria Arroyo ng Presidential Medals of Merit (posthumous) ang walong opisyal at emple­yado ng Malacanang na nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter sa Ben­guet noong naka­ra­ang Mar­tes.

Idinaos ang isang Ne­ crological Services para sa walong opisyal at staff ng Malacanang sa Heroes Hall ng Ma­laca­ñang no­ong Hu­we­bes Santo.

Ang parangal ay ibi­ nigay ng Pangulo sa mga nasawing sina Press Un­dersecretary Jose Capa­docia, Un­der­secretary Marilou Frostrom ng Pre­sidential Management Staff, senior presidential military aide Brig. Gen. Carlos Clet, PMS Assistant Director Perlita Ban­dayanon, pilotong si Major Rolando Sa­ca­tani, co-pilot Captain Alvin Ale­gata, Quarter Master 3rd Class Demy Reyno, at chop­per crew­man na si Sergeant Rohegem Perez.

 Magsisilbi sanang “advance party” ng Pa­ngu­lo ang mga na­bang­git sa bibisitahin nitong proyekto na Hal­sema Highway construction sa Ba­ naue, Ifugao nang maga­nap ang trahedya.

Ayon sa Pangulo, ang pagkamatay ng kanyang mga tauhan ay nagdulot ng labis na kalungkutan hindi la­mang sa kanya kundi maging sa mga emple­yado sa Malaca­ñang. (Malou Escudero)

ASSISTANT DIRECTOR PERLITA BAN

CAPTAIN ALVIN ALE

CARLOS CLET

CLASS DEMY REYNO

GLORIA ARROYO

HEROES HALL

JOSE CAPA

MAJOR ROLANDO SA

MALACANANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with