^

Bansa

Bidding sa North Harbor pinalagan

-

MANILA, Philippines - Umalma na rin ang ma­ higit sa 200,000 re­sidente na naninirahan sa paligid ng pantalan sa Maynila, mga empleyado at mga ven­dor kaugnay sa pagpa­patuloy ng bidding sa Manila North Harbor Modernization Project na “niluluto” umano ng Philippine Ports Authority (PPA).

Sa ginanap na press conference kahapon, si­nabi nina Emilio Ma­naois, presi­dente ng Pagka­kaisa ng Manggagawa sa Pantalan; Nenita Reli, pangulo ng Nagkaka­isang Manileno Tungo sa Pagbabago at Mary Ber­tolano, pangulo ng Nort Harbor Port Vendors Multi-Purpose Cooperative, marami umanong “anomal­ya” sa proseso ng bidding para sa 25-year project ng Manila North Harbor.

Anang tatlo, pabor sila sa modernization ng Manila North Harbor pero ang pro­seso umano ng ginaga­wang bidding sa kasaluku­yan ay hindi nila “masik­mura”.

Sinabi ni Manaois, kung hindi nila mapipi­gilan ang kasalukuyang proseso ay malalagay sa “balag ng alanganin” ang libo-libong manggagawa na ngayon ay nagta­tra­baho sa mara­ ming kum­panya sa North Harbor.

Inihayag naman ni Reli, sa kasalukuyang ay walang relocation plan para sa mga naninirahan sa North Harbor na isang malinaw na paglabag sa Urban Housing Development Act of 1992. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

EMILIO MA

MANILA NORTH HARBOR

MANILA NORTH HARBOR MODERNIZATION PROJECT

MANILENO TUNGO

MARY BER

NENITA RELI

NORT HARBOR PORT VENDORS MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

NORTH HARBOR

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with