^

Bansa

Pagkidnap sa Red Cross workers ideya ng provincial jail guard

-

MANILA, Philippines - Ideya lamang ng isang provincial jail guard ang pag­kidnap sa tatlong mi­yembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) at hindi ng Abu Sayyaf.

Ito umano ang dahilan ng lumalalim na hidwaan sa pagitan ng nag-aaway na mga lider ng Abu Say­yaf.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, base sa intelligence report, ang jail guard na si Raden Abu ng Sulu Provincial Jail ay nagalit umano dahil na­bulil­yaso ang proyekto nito kaya hiningi ang tulong ng kaniyang pin­sang si Doc Abu para isagawa ang kidnapping.

Ang nasabing jailguard na naunang naaresto ay siyang itinuturong mastermind sa kidnapping ng 3 ICRC volunteers na nag­pasa sa mga bihag sa kus­todya ng mga ban­didong Abu Sayyaf.

Ang paksyon naman ni Abu Kumander Albader Parad ay inatasan ni Abu Jumdail alyas Doc Abu Pula na siyang humawak ng kustodya sa mga bihag na ICRC members.

Si Parad ang sinasa­bing sub–leader ni Doc Abu Pula sa hirarkiya ng Abu Sayyaf Group.

“I don’t think frankly that any decision they have made recently ( kidnapping ng ICRC members) has been a result of group thinking. I think that this has been a knee-jerk decisions and so I think right now they’re probably not to unified in the way they are making decisions,” ani Puno.

Ang isa pang lider ng mga bandido na si Yasser Igasan ay wala umano sa lugar kung saan itinatago nina Doc Abu Pula at Parad ang dalawa pang nalala­bing hostages sa Mt. Tukay, Indanan, Sulu.

Samantalang nakapo­sis­­yon naman ang grupo ni Radulan Sahiron sa sila­ngang bahagi ng la­lawi­gang Sulu na malayo sa kinaroroonan nina Parad.

“Our sources are saying that there is now grumbling among them because this kidnapping did not begin with the ASG because it began with a provincial jail guard,” ayon pa sa Kalihim.

Nanatili pa ring bihag sina Swiss Andreas Notter at Italian Eugenio Vagni matapos palayain noong Huwebes ng gabi ang Pinay Engineer na si Mary Jean Lacaba. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU

ABU JUMDAIL

ABU KUMANDER ALBADER PARAD

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

DOC ABU

DOC ABU PULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with