^

Bansa

4 senador isasalang sa ethics

-

MANILA, Philippines - Apat na senador ang isasalang sa Senate Committee on Ethics sa pag­babalik ng sesyon ng Kon­greso sa Abril 13.

Kabilang sa mga may hinaharap na reklamo sina Sens. Antonio Tril­ lanes IV kaugnay sa Manila Peninsula siege; Sen. Manny Villar kaug­nay sa double insertion o conflict of interest; Sen. Richard Gordon dahil sa ‘double job’ na siya ring presi­dente ng National Red Cross, at kung sino ang senador na nagpapa­sok kay DBM Secretary Ro­lando An­daya sa executive session na hiningi ni dating NEDA chief Ro­mulo Neri ka­ugnay sa broadband scandal.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng ko­mite, na nagpasabi na siya sa committee secretariat at nagpadala ng notice sa mga senador na inire­reklamo.

Magsisimula sa Abril 15 ang hearing  na ipapa­ta­wag ni Lacson na ka­agad susundan sa Abril 22.

Samantala, kinum­pir­ma rin ni Lacson na meron silang isang kasa­ma­hang senador na kumubra ng napakalaking halaga ng cash advance sa loob ng tatlong (3) buwan na uma­abot ng P3 milyon kada buwan.

Dapat aniyang mala­man ng publiko kung saan napupunta ang pondo ng Senado at kung sino ang kumukuha ng mga representation at discretionary fund na walang basehan. (Malou Escudero)


ABRIL

ANTONIO TRIL

LACSON

MALOU ESCUDERO

MANILA PENINSULA

MANNY VILLAR

NATIONAL RED CROSS

PANFILO LACSON

RICHARD GORDON

SECRETARY RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with