^

Bansa

Quota ng PNPA iniakyat sa 400 kadete

-

MANILA, Philippines - Pinasalamatan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police Academy (PNPA) si Pangulong Arroyo ma­tapos na itaas sa 400 ang quota ng mga ta­ tang­gaping kadete kada taon ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Sinabi ni PNPA Commandant, P/Chief Supt. Danilo Abarsoza na malaking tulong na ito upang mabigyan ng opor­tunidad ang napaka­ra­ming aplikante ng aka­demya na nagnanais mag-pulis dulot na rin ng kawalan ng oportunidad dahil sa nararanasang “global economic crisis”.

Ayon pa dito, umaabot sa 24,000 aplikante ang kanilang natanggap nga­yong taon na gustong magpulis buhat sa iba’t ibang panig ng bansa. 

Karaniwang hang­gang 300 lamang ang kanilang tinatanggap dahil sa kakapusan ng pondo ngunit ngayon ay makapagdadagdag na sila ng 100 pang kadete dahil sa dagdag na pondo na ilalaan ng Pangulo sa akademya.

Sinabi rin ni Abarzosa na kanilang susundin ang utos ng Pangulo na ba­hagian ng kanilang ta­unang “savings” ang mga mahihirap na komunidad partikular na ang mga paaralan ng mga mahi­hirap upang mapakain ang mga ito lalo na ang mga nakapaligid sa ka­nilang kampo.

Ang PNPA ay humu­hubog ng mga kadete na isasailalim sa apat na taong pag-aaral at pag­sasanay kung saan otomatikong makukuha ng mga ito ang ranggong Police Inspector (2nd Lieutenant sa military) habang ang PNTI naman ay isinasailalim sa anim hanggang isang taong pagsasanay ang mga aplikante na magtatapos sa ranggong “Police Officer 1”. (Danilo Garcia/Joy Cantos)

CHIEF SUPT

DANILO ABARSOZA

DANILO GARCIA

JOY CANTOS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with