^

Bansa

Special courts sa media killings aprub sa PNP

-

MANILA, Philippines - Pinaboran kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang panukala ng dayuhang media organization  na magtatag ng espesyal na korte na hahawak sa kaso ng mga pinapaslang na mediamen sa Pilipinas .

Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Nicanor Barto­ lome na ang suhestiyon ng Committee for the Protection of Journalists (CPJ) na magkaroon ng korte na pa­ngunahing tututok sa kaso ng mga pinapaslang na mamamahayag ay isang magandang hakbang tungo sa ikabibilis ng paglutas sa naturang uri ng krimen.

Tinukoy ni Bartolome na ang mga naitayong special courts para sa mga kasong tulad ng illegal na droga, karumal-dumal na krimen gaya ng kidnapping for ransom ay naging matagumpay para maparusahan ang mga nasasangkot sa paglabag sa batas ukol dito.

Sa tala ng CPJ, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang maraming hindi nareresolbang kaso ng pagpatay sa mga mediamen kung saan aabot ito sa halos 900 simula noong 1986 sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa.

Nilinaw naman ni Bartolome na ang 24 kaso sa Pilipinas na tinukoy ng CPJ ay bahagi ng 26 kaso na naisampa na sa korte at ikinokonsiderang naresolba na. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARTOLOME

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

NICANOR BARTO

NILINAW

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

PINABORAN

PROTECTION OF JOURNALISTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with