^

Bansa

OFWs ban pa rin sa 5 bansa

-

MANILA, Philippines - Nananatiling bawal ang pagpapadala ng mga OFWs sa mga bansang Iraq, Nigeria, Afghanistan, Jor­ dan at Lebanon.

Ayon sa Philippine Over­seas Employment Administration (POEA), hindi totoo ang mga ulat na bu­kas na ang pag­ pa­padala ng mga Pinoy workers dahil hindi pa umano nali-lift ang deployment ban sa limang na­banggit na bansa. 

Ang panawagan ay bunsod sa sunud-sunod na pagharang sa may daang OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagdulot ng kalituhan at di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) at mga OFWs na nagpupu­ milit na lumabas sa Pili­pinas patungo sa naturang mga bansa bagaman ang iba ay may hawak na visit visas o ibang dokumento na nagmula sa POEA.

Samantala, tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gumagawa na ng mga hakbang ang pamahalaan upang maalis ang deployment ban sa Lebanon.

Ayon kay Labor Sec. Marianito Roque, naghain na ang gobyerno ng pani­bagong panukala at poli­siya ng pagpapadala ng mga Pinoy domestic helpers sa Lebanon matapos na idek­ lara ng pamaha­laang Lebanon na balik na sa normal ang sitwasyon doon. (Ellen Fernando) 

vuukle comment

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ELLEN FERNANDO

EMPLOYMENT ADMINISTRATION

LABOR SEC

MARIANITO ROQUE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with