PMA dinagsa ng text ng mga nais mag-kadete

MANILA, Philippines - Dahil sa teleserye ng ABS-CBN Channel 2 na ‘Tayong Dalawa‘, libu-libong text messages ang natatanggap ngayon ng Philippine Military Academy (PMA) mula sa mga estudyanteng nag­na­­nais makapasok sa premyadong institusyon ng militar sa bansa.

“It’s a moral boosting na rin sa PMA, what we can see, due to enthusiasm marami ang gustong mag-try na pumasok sa PMA particularly among the youth groups,“ ani PMA Supt. Rear Admiral Leo­ nardo Calderon sa mga ‘feedbacks‘ na kaniyang patuloy na natatanggap.

Ang ‘Tayong Dalawa‘ na matagal na nag-shooting sa PMA sa Baguio City ay tumatalakay sa dala­ wang magkaribal sa pag-ibig na kadete at pinag­bi­bi­dahan ng mga artis­tang sina Kim Chiu, Ge­rald Anderson at Jake Cuen­ca.

Isinasalarawan rito ang disiplina sa pagsa­sa­nay ng mga kadete ng PMA hanggang sa pag­pasok ng mga ito sa Philippine Army kung saan ma­ ging sina Army Spokesman Lt. Col. Romeo Braw-ner Jr. at Deputy nitong si Major Samuel Sagun ay nag-extra rin sa natu­ rang soap opera.

Panghuli sa nagparti­sipa sa pag-extra sa Ta­yong Dalawa ay si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Kaugnay nito, sinabi ni Calderon na 350 la­mang na estudyante ang kanilang quota sa bawat taon kung saan sa 5,000 kumuha ng pagsusulit sa PMA sa taong ito ay 900 lamang ang nakapasa sa pagsusulit pero nang isa­ lang sa Physical Fitness, neuro at medical examinations ay nasa 195 la­mang ang lumitaw na kuwa­ lipikado. (Joy Cantos)

Show comments