MANILA, Philippines - Tila mahihirapan ang mga botante kung sino ang iboboto ng publiko kina Senators Manny Villar at Loren Legarda ng manguna ang mga ito sa presidential survey para sa 2010 elections na isinagawa ng Issues and Advocacy Center sa pakikipagtulungan sa Data Advisors, Inc.
Sa nasabing survey, sina Villar (17%), Legarda (16%) at Vice President Noli de Castro (15%) ay halos magkakadikit lang ang porsiyentong nakuha mula sa 1,200 respondents.
Sa naunang survey ng Pulse Asia, nanguna sina de Castro (19%), Senator Francis Escudero (17%), dating pangulong Joseph Estrada 16%) at Legarda 10% .
Ngunit, lumalabas sa survey noong October 2008, nanguna si Legarda at nakakuha ng 37% kung saan walong puntos ang lamang nito kina Villar at de Castro na kapwa may 29%.
Habang sina Escudero (12%), Estrada (10%), Panfilo Lacson (8%), MMDA chair Bayani Fernando (6%), Mar Roxas (6%), Richard Gordon (4%) at Makati Mayor Jejomar Binay (2%).
Sinundan pa sila nina Rep. Ferdinand Marcos, Bro. Eddie Villanueva at Defense Secretary Gilbert Teodoro, na may tig-1%. (Butch Quejada)