'Computerized cheating' posible pa rin
MANILA, Philippines - Bagama’t inaasahan ang pagkakaroon ng full automation, nangangamba pa rin si dating Comelec Chairman Christian Monsod na posibleng mag karoon ng dayaan sa 2010 elections.
Ayon kay Monsod, dahil sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, hindi malayong magkaroon din ng “computerized cheating”.
Ipinaliwanag ni Monsod na ang Precinct Optical Counting Scan (PCOS), ang ballot-based voting at counting system na napiling gamitin ng Comelec ay hindi magiging transparent.
Dahil sa nasabing sistema, mapapasakamay ng “software specialists” ang election results at hindi maaring mamanipula nito ang resulta ng boto.
Iginiit ni Monsod na dapat pa ring ikunsidera ng Comelec ang paggamit ng Open Election System (OES). Mas magiging transparent kasi aniya ang pagbilang ng mga boto sa precinct level, gamit ang naturang teknolohiya. (Doris Franche)
- Latest
- Trending