^

Bansa

Utak sa Ninoy slay kilala ni Cory

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Alam umano ni dating Pangulong Corazon C. Aquino kung sino ang utak sa pagpatay sa asawa niyang si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr..

Ito ang ibinunyag ni Claro Lat, isa sa pina­ layang sundalo maka­raang masil­bihan ang kanilang sen­tensya sa pagkakasangkot nila sa Aquino-Galman double murder case.

Sinabi ni Lat na ang kopya ng kanilang testi­monya kabilang dito ang affidavit ni MSGT. Pablo Martinez ay naipadala nila sa dating Pangulo.

Si Lat at Arnulfo De Mesa ay nananatiling nasa pangangalaga ng Public Attorney’s Office para matignan ang kani­lang kalusugan dahil sa sakit nilang enlargement of the heart at diabetes.

Kabilang sila sa na­ging escort ni dating Se­nador Aquino bago ito binaril sa Tarmac noong 1983.

Naunang umapela si PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa pamilya Aquino na tumulong para makabalik sa bansa si dating Air Force Capt. Felipe Valerio dahil taong 2004 pa pumayag ang Sandigan­ bayan na mapa-extradite ito.

Sinabi na rin Justice Secretary Raul Gonzalez na si Valerio ang susi para muling mabuksan ang kaso.

Kinumpirma ng Kali­him na inatasan na rin siya ni Pangulong Gloria Arroyo na gumawa ng hakbang upang matukoy ang kina­roroonan ni Valerio at ma­ipatupad ang extradition.

Si Valerio ay naging commercial airline pilot sa Estados Unidos ma­tapos umalis ng bansa noong 1986 at hindi nakasama sa demanda.

Idinagdag ng Kalihim na tila hindi naman inte­resado si dating Pangu­long Aquino na mala­ man ang tunay na utak sa pagpatay sa asawa nito.

Hindi rin umano naki­ isa si Ginang Aquino sa dating Agrava Commission na unang nag-imbes­tiga sa kaso.

Nakatakdang sulatan ni Gonzalez ang Armed Forces of the Philippines upang alamin kung na­saan na ngayon si Valerio at kung ito ay naka­pag­retiro at nakakuha ng kan­yang benepisyo bilang sun­dalo.

Sinabi pa ng kalihim na, bukod kay Valerio, pina­pa­hanap din si Ro­ meo Ocho­co na dating opisyal ng aviation security command at isa pang babaeng hindi nito ma­tandaan ang panga­lan na nasa isang hotel nang ginawa ang pagpu­pulong ng mga heneral ng AFP isang araw bago pi­nas­lang ang dating senador.

vuukle comment

AGRAVA COMMISSION

AIR FORCE CAPT

AQUINO

AQUINO JR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNULFO DE MESA

DATING

SHY

SINABI

VALERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with