MANILA, Philippines - Tinatayang may 10,000 kababaihang miyembro ng Gabriela ang lumahok sa isinagawang kilos protesta sa taunang selebrasyon ng “Women’s Day”sa Mendiola, Maynila.
Ayon kay Gabriela secretary general Emmie de Jesus, patuloy ang kanilang hanay sa pagsusulong sa interes ng mga kababaihan at ng buong bayan.
Nagsimula mag-martsa ang mga kababaihan sa may Mabuhay Rotonda hanggang sa Mendiola kung saan isinagawa ang kanilang programa.
Iginiit ng grupo sa pamahalaang Arroyo ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) at ang paglalagay sa kustodiya ng gobyerno ng Piipinas ng Amerikanong sundalo na si Lance Corporal Daniel Smith
Bukod dito, binatikos din ng Gabriela ang papatinding gutom na dinaranas dahil sa patuloy na retrenchment ng mga kababaihang manggagawa.
Iginiit din nito, ang pagbibigay ng pamahalaan ng proteksiyon sa mga manggagawang kababaihan at tulong subsidiya sa mga nawalan ng trabaho. (Doris Franche)