^

Bansa

Public Attor­ney's Office nag-react kina Kris at Noynoy

-

MANILA, Philippines - Tiwala si Public Attor­ney’s Office (PAO) Chief, Atty. Persida Rueda-Acos­ta na mapapatawad rin ng magkapatid na Kris at Senador Noynoy Aquino ang 10-sundalong pinala­ya na akusado sa pagpa­tay sa kanilang ama.

Ito ang reaksyon ni Acosta matapos magpa­ha­yag ng pagkadismaya si Kris at Noynoy sa paglaya ng 10 sundalong sinen­tesiyahan ng korte mata­pos mapatunayang guilty sa Aquino-Galman murder case.

Ayon kay Acosta, tulad ng bilangguang may limi­tadong espasyo, may hang­ganan din ang paru­sang iginawad ng batas laban sa kanyang mga kliyente.

Nilinaw nito na napag­dusahan na ng mga convicted soldiers ang igina­wad na sentensiya sa ka­nila at karapatan lang nila na ma­kalaya alinsunod sa itina­ tadhana ng batas.

Una nang binanggit ni Kris na walang kapata­waran ang ginawang pag­patay sa kanyang ama lalo pa at malinaw ang mga ebiden­siyang nagpapa­tunay na sila ang pumas­lang sa dating senador.

Binanggit din ni Acosta na kung ang 8 sa 10 sun­dalo ay nakauwi na sa kani-kanilang pamilya, sina Claro Lat at Arnulfo de Mesa ay nananatili pa rin sa panga­ngalaga ng PAO dahil wala ng mauwian.

Pinabulaanan naman ni Acosta na nakatanggap ng P200,000 gratuity ang 10-sundalo mula sa New Bilibid Prisons (NBP) at sinabing P200 lamang ito. (Gemma Amargo-Garcia)

ACOSTA

AQUINO-GALMAN

ARNULFO

CLARO LAT

GEMMA AMARGO-GARCIA

NEW BILIBID PRISONS

PERSIDA RUEDA-ACOS

PUBLIC ATTOR

SENADOR NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with