30,000 baboy pa susuriin sa Ebola
MANILA, Philippines - Aabot sa 30,000 pang mga baboy sa Regions 1, 2 at 3 ang target isailalim ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa random test upang alamin kung apektado ito ng Ebola reston virus.
Ito ang inihayag ni BAI Chief Davinio Cat bagan matapos magpatuloy kahapon ang depopulation o pagmasaker sa mga baboy sa isang hog farm sa Pandi, Bulacan.
Sinabi ni Catbagan na 300-400 baboy sa nasabing farm ang kanilang isinailalim sa depopulation.
Sinabi ni Catbagan na kapag wala ng Ebola reston virus ay maari na muling mag-alaga ng mga ‘breeder pigs‘ at magpatuloy na ang nasuspindeng operasyon ng Pan di hog farm.
Samantala upang makatiyak naman na hindi apektado ng Ebola ang iba pang mga farm ay isusunod nila ang pagsasagawa ng random test sa Region 1, 2 at 3.
Sa huling talaan ng BAI ay umaabot na sa 5,568 ang mga baboy na naisaila lim na sa pagsunog nitong Huwebes at naidagdag ang 300-400 pa kahapon.
- Latest
- Trending