Joey 'inapi' ng Court of Ap­peals

MANILA, Philippines - Iaapela ni Joey de Ve­ necia III ang gina­wang pag­basura ng Court of Ap­peals hinggil sa inihain nitong paghingi ng protek­siyon mula sa gobyernong Arroyo.

Ayon kay de Venecia, hindi pa nagagamit ang lahat ng legal na paraan at naniniwala ito na hindi pa tapos ang laban.

Humingi ng proteksyon ang nakababatang de Venecia mula sa korte dahil sa umano’y walang hum­ pay na pananakot at pang­gugulo sa kanya ng admi­nis­trasyong Arroyo kaug­nay ng kanyang mga ibinul­gar na umano’y anomal­yang nakapaloob sa ZTE-national broadband deal.

Maging ang kanyang pribadong pamumuhay umano ay nagulo dahil sa pangha-harass sa kanya, katunayan ang pagwa-wiretap umano sa lahat ng kanyang telepono.

Liban umano sa pag­wa-wiretap sa kanyang mga telepono, nakatatang­gap din umano sya ng patung-patong na death threats. (Butch Quejada)

Show comments