Dela Paz nakalusot
Nakalusot sa kasong sibil si dating Philippine National Police-Comptrollership Chief ret. Director Eliseo dela Paz matapos niyang maibalik ang nalalabi pang kakulangan sa kabuuang 105,000 Euros o kabuuang P6.93 milyon na nakumpiska rito sa Russia noong Oktubre 2008.
Sinabi ni PNP-Finance Service Director Chief Supt. Rey Lañada na ang 40,000 Euros ay ibinalik ng Russian lawyer ni dela Paz na si Atty. Alex Benitzky sa account ng PNP sa Land Bank of the Philippines.
Una rito, binalaan ni PNP Chief Director Gen. Jesus Verzosa na sasampahan ng kasong sibil si dela Paz kung mabibigo itong ibalik nitong Lunes ang kakulangan sa nasa bing pera.
Nabatid na ang kakulangan na ibinayad ni dela Paz ay donasyon naman ng mga kaibigan nito.
Si Malaya ay personal na nakipagkita kay Lañada upang ibalik ang nasabing halaga na katumbas ng 65,000 Euros na ibinayad sa PNP account. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending





















