'Publiko ingat sa summer'- PAGASA

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Phi­ lippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko ngayon pagpasok ng “summer” laban sa mga sakit dulot ng na­pa­kainit na panahon.

Ayon kay PAGASA Weather Bureau Chief Frisco Nilo, dapat ban­tayan ang mga sakit na ordinaryong nakukuha sa mainit na panahon partikular na iyong mga sakit sa balat, ubo at pagtatae. Inaasahang mararanasan ang pina­kamainit na panahon sa Abril at magtatapos sa kalagitnaan ng Mayo.

“Sa ngayon ay ma­baba na ang moisture content sa Maynila at kapag nabawasan pa ito ng 50 porsiyento ay ma­raranasan na ang pina­kamaalinsangang pa­nahon,” ayon kay Nilo.

Sa umaga, makaka­ ranas ng tempera­tu­rang 24 degrees cel­cius-26 degrees celcius habang sa tanghali ay maglalaro ang tempe­ratura sa 37 degrees celcius-38 degrees celcius. Habang sa Ba­guio City ay 16-18 degrees celcius sa uma­ga at 22-24degrees cel­cius sa tanghali ngayon summer. (Doris Franche)

Show comments