MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Philippine Atmos pheric and Geophysical Administration Services na unti-unti na ngayong nararamdaman sa bansa ang epekto ng Global Warming o pagtaas ng temperatura ng Daigdig.
Sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Frisco Nilo, hepe ng Weather Bureau ng PAGASA, na may mga lugar na ngayon sa Pilipinas ang apektado na ng Global Warming tulad ng Malabon, Navotas, Cavite, ilang bahagi sa Visayas at Mindanao. Ang global warming o pagtaas ng temperatura ng tubig-dagat ay sanhi ng mga naipon na green gases sa himpapawirin ng Mundo.
“Base sa mga impormasyong ipinaabot ng mga mismong tao sa lugar, malaki na ang nasasakop ng tubig-dagat kapag high tide, indikasyon na mataas na ang temperatura nito at kung magpapatuloy ang pagtaas ng temperatura, malamang na tuluyan ng lumubog sa tubig ang lugar partikular na ang Malabon at Navotas.
Sinabi ni Nilo na ang Pilipinas ay mayroong 7,100 isla at malamang na maraming isla ang tuluyan nang mawala sa mapa ng bansa dahil sa global warming.
Hinikayat din ni Nilo ang mamamayan na makiisa sa programa ng gobyerno at maging ng iba pang bansa sa mundo para mabawasan ang mga greenhouse gases.
Sa katunayan ay inorganisa na nila ang Task Force on Climate Change dahil na rin sa direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bigyan ng seryosong pansin ang suliranin sa climate change.