Bureau of Immigration suportado ang Senate probe sa reklamo ng OFWs
Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang pla nong imbestigasyon ng Senado ukol sa pagpigil sa pag-alis ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang paliparan sa bansa.
Ayon kay BI NAIA head Ferdinand Sampol, ang imbestigasyon ay isang magandang lugar kung saan maaari nilang maipaliwanag ng malinaw ang dahilan kung bakit pinipigil nila ang pag-alis ng OFWs patungong ibang bansa.
“This investigation is a welcome move by the Senate, considering that this will give us a chance to inform our lawmakers of our operation against human trafficking and illegal recruitment,” wika ni Sampol, na tinutukoy ang plano nila Sens. Manny Villar at Jinggoy Estrada na imbestigahan ang pagpigil sa OFWs at iba pang iregularidad sa mga paliparan.
Ipinaliwanag ni Sampol na isa sa mga trabaho ng BI ay tiyakin na may karam patang dokumento ang mga umaalis na OFWs, tulad ng passport, visa at clearance mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), bago sila payagang bumiyahe.
Ito ang dahilan kung bakit naglabas si BI Commissioner Marcelino Liba nan ng kautusan sa lahat ng immigration officers na tiyakin na lahat ng OFWs na umaalis ng bansa ay may karampatang dokumento bago paalisin.
Sinabi ni Sampol na patutunayan niya sa nasabing pagdinig na hindi sangkot sa anumang illegal na aktibidad ang kanyang mga tauhan sa NAIA at iba pang paliparan tulad ng inaakusa ng ilang OFWs. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending