^

Bansa

5 tauhan ng BJMP positibong 'user'

-

Limang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang lumalabas ngayon na gumagamit ng iligal na droga makaraang mag­po­sitibo sa ipinatupad na “random drug tests” ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa ulat ni Jail Director Rosendo Dial kay Secretary Ronaldo Puno, da­lawa sa mga nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ay galing sa National Capital Region at National Headquarters, tig-iisa sa Region 1, 3 at Cordillera Administrative Region.

Hindi naman binanggit sa ulat ang pangalan ng mga naturang jail personnel at kung anong kla­seng droga ang ginagamit ng mga ito habang naka­takda pang magsagawa ng “confirmatory tests” base sa prosesong kani­lang ipinatutupad.

Kung magpopositibo muli, agad na sisibakin sa tungkulin ang na­ turang mga jail personnel base sa ipinatutupad na “one strike policy” ni Secretary Puno at posibleng ma­sampahan pa ng ka­song paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw ng DILG kung saan nakita ang pagkukulang ng ilang tauhan ng BJMP habang nakita rin na napakaliit na porsyento lamang ang limang nagpositibo sa kabuuang tauhan ng ahensya.

Sinabi ni Underse­cretary for Public Safety Atty. Marius Corpus na siyang nakakasakop sa BJMP, .25% lamang ang lima sa 2,007 jail personnel na sumailalim sa drug tests. (Danilo Garcia)

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DANILO GARCIA

DRUGS ACT

JAIL DIRECTOR ROSENDO DIAL

MARIUS CORPUS

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL HEADQUARTERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with