Isinulong ng Malacanang: Karapatan ng mga sanggol

Isinusulong ngayon ng Malacanang na mabigyan ng atensiyon at mapro­tek­ tahan ang karapatan ng bawat sanggol sa bansa.

Sa Executive Order 778 o tinawag na ‘Transforming the Council for the Welfare of Children into Early Childhood Care and Development Council,” na nilag­daan ni Pangulong Arroyo, iti­nalaga nito si dating Se­nador Tessie Aquino-Oreta (TAO) bilang chairperson ng Early Childhood Care and Development Council (ECCDC).

Ang nasabing puwesto ay may ranggong Cabinet secretary, ayon sa Pangulo.

Malugod itong tinang­gap ni Oreta dahil siya rin ang may akda ng ECCD Act noong na nagsabing bilang isang ina, batid niya ang pa­ngangailangan at pagma­mahal ng bawat sanggol sa bansa.

Sa pinakabagong pro­gramang ito, tututok ang pa­mahalaan sa panganga­ilangan, karapatan at tulong sa mga tinaguriang napa­bayaang paslit sa bansa.

“My advocacy for chil­dren’s welfare remains whether or not I have a position in government. I intend to strengthen that commitment so that the Filipino child can have a fair start,” ani Aquino-Oreta sa kanyang pahayag.

Ang ECCDC ay may layuning suportahan at protektahan ang kapaka­nan ng mga batang may edad na 6 pababa kung saan ay kikilalanin ang ka­nilang karapatang mabu­hay, ma­tuto at sapat na pro­teksiyon bilang isang nila­lang.

Susuportahan din ng nasabing ahensiya ang mga magulang bilang panguna­hing tagapag-alaga ng ka­nilang mga anak at tutulu­ngan at bi­bigyan din ng sapat na impormasyon para maipa­tupad ang tamang panga­ngalaga at pagtuturo ng wasto sa mga anak dahil ina at ama ang panguna­hing guro ng bawat paslit.

“Si Senator Oreta ang nag-initiate ng panukala sa early childhood care development rogram. Confident ako na maga­gawa niya, masipag siya at very diligent, pinag-aaralan talaga niya ang mga panukala at maru­nong siyang kumon­ sulta sa mga experts,” ko­mento naman ni Sen. Ed­gar­do Angara. (Rudy Andal)

Show comments