Baka ng Chinaipinagbawal
MANILA, Philippines - Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture ang importasyon ng baka at iba pang hayop na may apat na paa mula sa China dahil sa paglaganap sa mga hayupan doon ng foot-and-mouth disease.
Gayundin ay pansamantalang bawal din ang importasyon ng mga ibon at poultry products mula sa Belgium at Canadian province ng British Columbia dahil sa birds flu.
Nilagdaan ni DA Undersecretary Jesus Emmanuel Paras ang kautusan sa pagbabawal dahil sa ulat mula sa Office International des Epizooties o World Animal Health Organization na nagsasabing may FMD outbreak sa Hubei at Xinjiang, China. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending