DTI binira sa emission program
MANILA, Philippines - Kinondena ng mga legitimate private emission test center (PETC) ang ilang polisiyang ipinapatupad sa Departmenf of Trade and Industry (DTI) na nagpapa-delay umano sa renewal ng accreditation.
Ayon sa mga ito, hindi umano sila naaabisuhan ni DTI Director Atty. Victorio Dimagiba gaya ng pagbibigay ng memo o anumang impormasyon sa mga bagong patakaran ng tanggapan hinggil sa emission program ng pamahalaan bukod pa sa pagka-delay ng schedule para sa assessment hinggil dito.
Nagre-require din umano ito ng ISO 9000 certification sa lahat ng Petc na hindi naman ito requirement dahil ang ISO 17025 compliance scheme ay para lamang sa PETC renewals.
Kinuwestyon din kung bakit nang maupo sa puwesto si Dimagiba ay delay na ang lahat ng proseso ng mga dokumento bunsod na rin ng bagong mga requirements na pinatutupad nito gayung ang evaluation ng mga dokumento sa DTI ay karaniwang natatapos lamang sa loob ng isang linggo. Bunsod nito, ilang PETC na ang nagsasara ng kanilang operasyon dahil sa hindi makatwirang proseso ng renewals.
Dahil sa delay sa renewal ng certificate of accreditation malinaw anilang ito ay hindi sumusuporta sa emission testing centers na ang tanging layunin ay makatulong ang Petc sa pamahalaan na maipatupad ang tunay na adhikain ng Clean Air Act sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga mauusok na sasakyan sa mga lansangan sa bansa.
- Latest
- Trending