^

Bansa

Paule bigong maaresto ng Senado

-

MANILA, Philippines - Bigo ang tropa ng Se­nate sergeant-at-arms na maaresto si Jaime Paule, ang sinasabing liaison officer ng Malacañang na sangkot sa maanomal­yang P728M fertilizer fund scam.

Bitbit ang resolusyon ng Senado, nilusob ng grupo ni retired Col. Jaime Dima­ cali ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa taha­nan ni Paule na matatag­puan sa 907 Jamaica St., Vermont Executive Village, Anti­polo City alas-8 ng umaga ka­hapon.

Tanging naabutan ng mga ito ay ang isang anak at pamangkin dahil wala umano sa nasabing taha­nan si Paule at nag-out of town. Ngunit, iginiit ni Di­macali na kailangan nilang ibigay ang arrest order laban kay Paule base sa kautusan ng Senado.

Noong Martes ng gabi nilagdaan ni Senate Pre­sident Juan Ponce Enrile ang warrant of arrest laban kay Paule.

Sa mga nakaraang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, pa­tuloy na itinatanggi ni Paule na sangkot siya sa fertilizer fund scam at maging ang mga per­sonalidad na bi­nabanggit sa transaksiyon ay hindi umano niya kaki­lala. Na­ninindigan naman si Di­macali na naroon sa ka­nilang bahay si Paule at hindi umano sila aalis sa nasabing lugar hanggang hindi nila ito nakukuha kahit umabot pa ito ng ilang linggo.

Nais ipaaresto ng mga senador si Paule dahil sa pagsisinungaling umano nito sa pagdinig ng ma­anomalyang kontrata ng fertilizer.

Sakaling mahuli si Pau­le, ikukulong ito sa Pasay City Jail o sa Mun­tinlupa City at hindi sa Senado.

Kaugnay nito, kuku­wes­tyunin naman ni Atty. Ferdinand Topacio, abo­gado ni Paule, sa Korte Suprema kung bakit sa Pasay City Jail ikukulong si Paule sa halip na sa Senado.

Kukwestyunin din ni Topacio ang validity ng warrant of arrest habang mag­ hahain sila sa huku­man ng petition for certiorari o writ of habeas corpus.

Habang isinusulat ang balitang ito, sinabi ni Topacio na noong Martes pa naka-confine sa St. Lukes’ Medical Center si Paule. (Ricky Tulipat/Malou Escudero)

vuukle comment

FERDINAND TOPACIO

JAIME DIMA

JAIME PAULE

JAMAICA ST.

JUAN PONCE ENRILE

KORTE SUPREMA

PASAY CITY JAIL

PAULE

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with