^

Bansa

Imus naglunsad ng giyera vs droga sa job sites

-

IMUS, Cavite, Philippines — Nag­lun­sad ang lokal na pa­munuan ng bayang ito ng isang agresibong kam­panya laban sa ipinagba­bawal na droga na pinala­laganap ng mga drug pushers maging sa loob ng mga kumpanya at ibat-ibang establishments na bumibik­ tima sa mga mang­gagawa.

Sinabi ni Mayor Manny Maliksi na ang kampanya ay kailangan upang mabig­yan ng proteksyon ang mga employers at ganun din na­man ang mga mang­ga­gawa kaugnay na rin ng mga ulat na ang ilang mga aksidente na naganap ka­ma­kailan sa loob ng mga kumpanya ay may kaugna­yan sa pag­gamit ng droga o di kaya na­man ay pagka-lasing.

Ang ilan sa mga mang­gagawang maaring una­hing isailalim sa random drug testing ay mga construction workers, drivers at mga empleyado ng ibat-ibang establisyemento na naugnay kamakailan lang sa mga aksidente na pinag­hihinalaang dulot ng pag­ gamit ng bawal na gamot.

Hinimok din ni Maliksi si Vice Mayor Mandy Ilano na kaagad kumbinsihin ang sangguniang pamba­yan na bumalangkas ng ordinansa na magbibigay ng parusa kaugnay ng paggamit ng droga at mga nakakalasing na alak sa trabaho.

Ipina­hayag naman ni Vice Mayor Ilano ang kan­yang pag­suporta sa pla­nong drug testing sa mga mang­ga­gawa lalo na iyong pi­nag­hihinalaang nasa ilalim ng impluwensiya bago pa man siya puma­sok ng work site.

Sumang-ayon din si Councilor Dondon Yam­bao, na isang dating union leader, sa panuka­lang drug testing sa mga manggagawa.

CAVITE

COUNCILOR DONDON YAM

HINIMOK

IPINA

MALIKSI

MAYOR MANNY MALIKSI

SHY

VICE MAYOR ILANO

VICE MAYOR MANDY ILANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with