World Bank report one-sided - Barbers

Nadismaya si Surigao del Norte Gov. Robert Ace Barbers sa umano’y World Bank report na tumutukoy sa kanyang ama, ang yu­maong si dating senador Robert Barbers, na guma­mit ng impluwensiya upang isulong ang maanomal­ yang bidding para sa mga proyekto ng nasabing financial institution.

“It is very sad that my father who has been gone for more than three years now is being dragged into this mess. Remember that he was out of politics after the 2004 elections. If the report indeed exists, how can we, remaining members of the family clear the name of our father if we cannot test the veracity of the allegations,” wika ni Barbers.

Iginiit ni Barbers na kung hindi isasapubliko ng World Bank ang report, dapat ay magpakita ito ng kahit kaunting kadisente­han at bigyan sila ng kopya at payagang magtanong at magpaliwanag ukol sa mga alegasyong ibinato sa kanyang ama na hindi na puwedeng ipagtanggol ang sarili.

Ayon kay Barbers, inilagay ng World Bank report ang kanyang yuma­ong ama at iba pang aku­sado sa tinatawag na “korte ng public opinion” ng isang tao na ayaw lumitaw at magpakilala.

“Even in our Bill of Rights which we copied from the Americans, the same people who dominate the World Bank, the accused is given the right to cross-examine the witnesses against him,” wika ni stressed.

Ngunit ang karapatang ito, ayon kay Barbers, ay hindi naibigay sa kanila dahil nabigo ang World Bank na bigyan sila ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili.

Upang hindi na maulit ang mga kontrobersiya ukol sa bidding, ipinanu­kala ni Barbers sa World Bank at iba pang grupo na may proyekto sa Pilipinas na sila na mismo ang pumili ng contractor na gagawa ng kanilang mga plano. (Butch Quejada)

Show comments