^

Bansa

Umiwas sa gamot na 'phenylpropanolamine'

-

Dahil sa hinalang nag­dudulot ito ng hemorrhagic stroke sa mga kababaihan at seizure sa mga bata, pinayuhan ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang mga magulang na iwa­sang bigyan ang kanilang mga anak ng mga gamot na may sangkap na nasal decongestant na tinatawag na phenylpropanolamine (PPA).

Ayon kay BFAD Director Leticia Gutierrez, bago ibigay sa kanilang mga anak ang isang gamot ay basahin muna ang label nito at tiyakin na wala itong sangkap na PPA.

Tiniyak naman ni Gu­tierrez na gumagawa na ng mga hakbang ang US Food and Drugs Administration (USFDA) upang alisin na ang PPA sa lahat ng drug products.

Hiniling na rin umano nito sa lahat ng drug companies na itigil ang pag­bebenta ng mga produkto na may sangkap na PPA.

Samantala, ilang drug-manufacturing companies sa bansa ang nag-“reformulate” na umano ng ka­nilang mga cold relief medicines at inalis ang sangkap na PPA.

Gumagamit na umano ang mga drug companies ng ibang uri ng decongestant na tinatawag namang “phenylephrine.” (Doris Franche)

AYON

DAHIL

DIRECTOR LETICIA GUTIERREZ

DORIS FRANCHE

DRUGS ADMINISTRATION

GUMAGAMIT

HINILING

SAMANTALA

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with